√Zild Benitez – Alalahanin Lyrics
: He was born in the Philippines. He has been in a relationship with singer Shanne Dandan, whom he's also collaborated with.
Song lyrics
Alalahanin ang mga pangako
Na aalagaan kita
'Di ko babawiin ang iyong binilin
"Anak, ayokong mapag-isa"
Kung maglaho ang mga alaala
'Di kita ipapahiya
Alalahanin ang iyong hangarin
Na hindi ako bibitaw
At mananatiling nakakapit sa 'tin
Hindi ko sasayangin ito
Dadal'hin ang ating mga pinangarap
Mapapagmalaki na kita
'Pag nanghina ang iyong katawan
Aalayan ka sa bawat hakbang
Kung paulit-ulit mang magtanong
Sasabihin ang sagot pabulong
Alalahanin ang pinag-usapan
Na tibayan, aking loob
'Di kakalimutan ang iyong sinabi
"Anak, ayokong mauna ka"
Sa kinabukasan, may panghahawakan
Hindi ka mababalewala
'Pag nanghina ang iyong katawan
Aalayan ka sa bawat hakbang
Kung paulit-ulit mang magtanong
Sasabihin ang sagot pabulong
At pagsapit ng iyong pagtanda
Gagawan kita ng bahay mo na
Dati mo pa na 'pinagdarasal
Habang-buhay kang ipaparangal
Kahit saan, 'di kita iiwan
Walang makakapantay sa 'yong mga binigay
'Di kita iiwan
Walang makakapantay sa 'yong mga binigay


