√Sam Mangubat - Kulang Ang Mundo Lyrics

Sam Mangubat
: Sam Mangubat
: Composer / Songwriter : Daryl Cielo , Arranger : Tommy Katigbak / Jonathan Manalo , Vocal Arrangement : Jonathan Manalo, Back-up Vocals : Sam Mangubat, Mixing and Mastering Engineer : Tim Recla at The Purple Room, Producer : Jonathan Manalo


Song lyrics

(Verse 1:)
Masdan mo ang alapaap 
At mga puwang nito
Sa pagitan ng mga ulap
Doon tayo tutungo ooh

(Prechorus:)
Sa pag-ibig kong ito 
Humanda ka 
Maglakbay sa kalawakan dahil

(Chorus:)
Para sa’yo, mahal ko
Ay hindi sapat ang dulo
At hangganan ng mundo

Kaya't ako ay bubuo 
Ng bagong paraiso
At doon matatanto 
Sa pag-ibig ko ay kulang ang mundo
ooh

(Verse 2:)
Sa likod ng mga tala
Pag lampas ng himpapawid
Sa hindi mo pa nakikita
Doon ka ihahatid

(Pre-chorus:)
Ng pag-ibig ko sa’yo 
Humanda kang 
Tuklasin ang
Isang bagong dako

(Chorus:)
Para sa’yo, mahal ko
Ay hindi sapat ang dulo
At hangganan ng mundo

Kaya't ako ay bubuo
Ng bagong paraiso 
At doon matatanto 
Sa pag-ibig ko ay kulang ang mundo

(Bridge:)
Kung sa’kin ay kakapit 
Ang anumang balakid 
Ay ‘di makakapigil sa ating lalakbayin

Ang mundo ng panaginip 
Kung ang iyong mata’y ipipikit 
Makikita mo aking pag-ibig

(Pre-chorus:)
Ooh
Sa pag-ibig kong ito 
Humanda ka 
Maglakbay sa kalawakan dahil

(Chorus:)
Para sa’yo, mahal ko
Ay hindi sapat ang dulo
At hangganan ng mundo

Kaya't ako ay bubuo 
Ng bagong paraiso 
At doon matatanto

Na kung hahayaan mo ang iyong puso 
Lakbayin ang lawak ng pag-ibig ko sa’yo
Makikita mo na kulang ang mundo