√Inigo Pascual - Maligaya Ang Buhay Lyrics

Inigo Pascual
: Inigo Pascual
: Words and Music by : Dan Tañedo and Rox Santos, Vocal Arrangement by : JM, Arranged and Mixed by : Theo Martel, Produced by : Jonathan Manalo


Song lyrics

Maligaya ang buhay ko
Maligaya ang buhay ko sa'yo
Maligaya ang buhay ko
Maligaya ang buhay ko sa'yo

Nung nagkatitigan, tumigil ang mundo
Nabighani sa pangyayari
Ako'y napangiti at ito'y nanatili
Biglang napaisip, ikaw ang panaginip

Ano ba ang layunin ko sa buhay na ito?
Simulang nakita ka nalaman ko na

Sumaya ang buhay kong ito
Simula nung tayo'y nagtagpo
Sasamahan kong iyong puso
Habang buhay ang pangako

Sa hirap at ginhawa
Maligaya ang buhay ko

Maligaya ang buhay ko (maligaya)
Maligaya ang buhay ko sa'yo

Hihingin ko na ang yong mga kamay
Mula sa iyong mga magulang
Ang alay ko tunay na pagmamahal
Aalagaan, 'di ka iiwanan

Ano ba ang layunin ko sa buhay na ito?
Simulang nakita ka, nalaman ko na

Sumaya ang buhay kong ito
Simula nung tayo'y nagtagpo
Sasamahan kong iyong puso
Habang buhay ang pangako

Sa hirap at ginhawa
Maligaya tayo

Sagot sa aking panalagin dumating
Ikaw ang aking pag-ibig
Ikaw at ako, pinagtagpo
Tinadhana tayo

Sumaya ang buhay kong ito
Simula nung tayo'y nagtagpo
Sasamahan kong iyong puso
Habang buhay ang pangako

Sa hirap at ginhawa
Maligaya ang buhay ko

Maligaya ang buhay ko (maligaya)
Maligaya ang buhay ko sa'yo
Maligaya ang buhay ko (sa'yo)
Maligaya ang buhay ko sa'yo (maligaya)