√BarakoJuan - Musikang Rap Lyrics (Boss John, Zaito, YoungOne & Bogito

NO PHOTOS YET AVAILABLE
: BarakoJuan
: Composer of this song Boss John, Zaito, YoungOne & Bogito performed Musikang Rap BarakoJuan All Star


Song lyrics

Nagtatapang tapangan, nagyayabang yabangan
Wag mo ng ipairal yan sa ganitong larangan
Sa tugtugin ng musikang rap wala ang dulot
Respetong hinahanap mo ay hindi napupulot

Hindi rin nabubunot at hindi nabibili
Ang mga letrang isinulat mong pinagmamalaki
Kasing laki, kasing luwag ng iyong sinusuot nangingibabaw
Sa lahat kahit na nagkakagusot

Nilusot ang sulat mong walang patutunguhan
Dudungis ang kultura kung walang matutunan
Ang batang nakikinig na susunod sating yapak
Na sasagupa, lulusob sa mga patimpalak

Upang mapalakpakan mga taga pakinig
Kapag may ibubuga ang nakatikom na bibig
At nakapag pakilig ng mga chicks na malupet
Nakadale batang bata isang batang makulit

Musikang rap puno ng sangkap
Tanim ng pagmamana na aking natanggap, aking inambag
Mga nakasalo, kahalobilo sa mikropono at intablado
Ngayon dito sa barako han naman tayo dumayo

Lumakas na parang super saiyan
Lumbas ang matatapang dito tayo magraprapan
Salungat man sa pinag usapan nilbas na karangalan
Sa napili ko na laban

Lumakas lalo nung nasugatan sa bawat palo
Kalamang bahadyang nahihirapan
Sumugal sa di inaasahan tumagal sa nilakaran
Na walang tinatapakan

Sa lahat ng mga nangungutya, nanghihila pababa
Mga nagtumpukang talangka pilit akong binababa
Gulat kayo, gulat sila tumayo nung nadapa at handa nang mang giba

Aagawin ang mikropono sa harap mo,
Tignan ko lang kung ano ang magagawa mo
Habang binabato kita ng lyrics ko
Bumabayo naman ang beat na naririnig mo

Sabay sabay sapag angat
Sabay sabay sa paglaganap ng musikang rap
Sabay sabay sa pag angat
Sabay sabay sa paglaganap ng musikang rap

Mawalang galang , tumabi tabi mga nakahamba lang
Nakatukod ng hindi na makatayo ng merong kalang
Nakasalang sa amin ang mga bigating tambalang
Labanan na kung sinong mahina tumabi na lamang

Iba’t ibang pag iisip, kanyan kanyang istilo
Tatayo bilang barako sa gitna ng entablado
Dudurugin ng kalaban, tatapakan ang pangalan
Kung sino ang matibay ituturing na hinirang

Papayag ka bang mahina, tapak tapakan
Na kung sino man ang gustong manira sa hip-hopan na’to
Papayag ka bang maging alila
Kaya nga dapat mag isip isip habang sariwa

Ngayon kumakaripas ng takbo papunta na’ko
Mikropono sa kanan sa kaliwa ko ang tabaco
Sing haba ng daanan pahaba ng granmonaco
At kung sino ang manalo sya ang tunay na barako

Unti unti nang inabot sinimulan ko na pangarap
At nang di na ininda mga tinik aking niyakap
Dahan dahan na hakbangin ay aking pinerpekto
Balakid ay tinatagos ay hindi nag paapekto

Simula’t sa sapol inalam mga galaw
Kultura na pinasok, isa sa sasayaw
Palaruang tinuturing kaysagad ng karunungan
Buhay  ng masa syang pinag aralan

Gamit ng lapis at papel bumuo ng storya
Mga obra na tumatak storya at para mag marka
Dapat maging barako
Ihanda ang sungay sa lahat ng duwelo

Ingkwentro sa larangan dapat paghandaan
Durugin mo sa liriko ang iyong kalaban
Patalasan ng isip patibayin ng dibdib dito sa barakohan
Lahat ay bibilib

Aagawin ang mikropono sa harap mo
Tignan ko lang kung ano ang magagawa mo
Habang binabato kita ng lyrics ko
Bumabayo naman ang beat na naririnig mo

Sabay sabay sapag angat
Sabay sabay sa paglaganap ng musikang rap
Sabay sabay sa pag angat
Sabay sabay sa paglaganap ng musikang rap

Bara bara barako barakohan hindi lang
Baguhan pwede rin ditong datihan
Sundalong baraboy palaging nasa unahan
Dito pwede mong subukan taglay na kakayanan

Ilabas ang husay at talento isang daang porsyento
Salita mong inimbento, magpatibayan tayo
Matalo umuwi na lang
Walang puwang ang kagaya mo na talonan

Matibay ang dibdib kapag sinasapuso
Letrang binuga parang sumasapak sa nguso
Habang sinasabay ang salita sa kada palo
Tiba tiba sa respetong sinasalo gang tabo

Ito’y ambag sa mahal naming kultura
Salamat sa pagbibigay ng mga suporta
Walang puwang para pakinggan lahat ng kontra
Ako si John tara dito sa barakuhan

Bumulaga bumulaga sabay sa pag bulusok
Ng mga katagang may pagmamahal tagos kapag tumusok
Di na mabilang ang sumubok ang daming nang tumutok
Pagmamahal sa kultura ang gamot sa pagsubok

Sabay nating pinasok klarong may kabuluhan
Bawat letrang bibitawan sadyang may kahulugan
Di na pwedeng magkahulugan pantay pantay na ang lakas
Walang mataas, walang mababa yan ang hip hop sa Pinas

Simula ng bata ito ang pinili kong laro
Hinamak, kinutya at sinabihan ng bano
Ngunit di ko hinayaan ang bugso ng kalooban
Alam kong darating ang araw may patutunguhan

Sinakripisyo ang oras ng aking pagkabata
Imbes na maglaro sumulat ng mga talata
Nagsimula sa kwentong simple’t may kabuluhan
Parang pagkatao kong puno ng kahulugan

Hanggang sa dumayo sa dwelo ng tugmaan
Doon ay unti unting nakilala ang pangalan
Ngunit kahit ganun ang mga paa’y nasa baba mga bakas
At yakap kong susundan ng mga bara

Unang hakbang ay lumahok na sa barakuhan
Pagkakataon ‘to para sa pintuan ang daan
Impronto ng laro palupitan ng tugmaan
Ipakita mo ang lupit mo sa mga kalaban

Ilabas na ang barang pinaka malupit
Kabit kabit ng mga letra mong humahagupit
Magtatagisan ng talino sa entablado ipakita
Mga bida sa industriya dito mo makikita

Halika sabayan ng palo maglabo labo
Patapangan ‘to ng apog bawal dito ang kabado
Ipakita mong ikaw ang siyang pinaka barako
Bara mo, bara ko, isang lang ang mananalo

Ito ang laro ng hinahanap ng marami
Kakayurin ka hindi pu-pwede ang gurami
Patalasan ng dila dapat nakakahiwa
Sumusugat sa balat magbabasagan kayo ng diwa

At ang mahina tiyak na luhaan,
Walang puwang dito ang kinakabahan
Pinapangarap mong maghari sa tugmaan
Ikaw ang hinahanap namin sa barakuhan

Aagawin ang mikropono sa harap mo,
Tignan ko lang kung ano ang magagawa mo
Habang binabato kita ng lyrics ko
Bumabayo naman ang beat na naririnig mo

Sabay sabay sapag angat
Sabay sabay sa paglaganap ng musikang rap
Sabay sabay sa pag angat
Sabay sabay sa paglaganap ng musikang rap

Aagawin ang mikropono sa harap mo,
Tignan ko lang kung ano ang magagawa mo
Habang binabato kita ng lyrics ko
Bumabayo naman ang beat na naririnig mo

Sabay sabay sapag angat
Sabay sabay sa paglaganap ng musikang rap
Sabay sabay sa pag angat
Sabay sabay sa paglaganap ng musikang rap